06 May 2008

Dalawang Miserableng Taon

Siguro kung hindi mo ako sinaktan ng todo, at kung hindi mo inapak-apakan ang puso ko, siguro ikaw pa din. Salamat na lang at ginawa mo yun, dahil masaya na ko sa piling ng iba ngayon.

Ngunit, gusto ko lang sanang tapusin ng pormal kung anu man ang namagitan sa atin (kung meron nga ba o sadyang pinapantasya ko lang na meron nga).

Tangina mo kasi:
1. Pinaasa mo ako;
2. Pinag-mukha mo akong tanga;
3. Binalewala mo lang ang lahat;
4. Hindi ka man lang humingi ng tawad; at
5. Bigla ka na lang nang-iwan sa ere.

Yan ang mga bagay na nais kong sabihin sayo dati. Pero tapos na yan. Salamat naman.

Salamat kasi:
1. Ginago mo ako, dahil kung hindi, hindi ako matututo;
2. Natulungan mo naman ako kahit papaano nung mga panahong walang-wala akong masandalan, kahit sa isang text mo lamang ay napapahupa mo ang lahat ng poot sa puso ko.
3. Kung hindi dahil sayo, wala siguro akong kaalam-alam sa realidad ng buhay.

Tangina ko kasi:
1. Umasa naman ako sayo, ako na ang bobo;
2. Ngayon ko lang napag-tanto na hindi na talaga kita kailangan sa buhay ko.

Hay. Ang sarap sa loob. Sabi ko naman sayo, pana-panahon lang 'yan. Lahat lilipas din. At masaya ako na lipas ka na sa buhay ko.

Mabuhay ka. Sana ay makatagpo ka ng taong mamahalin ka higit pa sa pagmamahal na inialay ko sayo na kahit kailan ay hindi mo hinayaang maramdaman. Paalam, Demonyong Anghel.

6 Comments:

Blogger Vicente Disente said...

easy lang sa pag-lipad dahil ang lumilipad ay siguradong bababa pag napagod. hehehe

May 6, 2008 at 1:43 PM  
Anonymous Anonymous said...

kilala ko toh ah! haha.. magaling magaling at nakapaglabas ka na rin..

its been long overdue.. :P

lets blog togetha! oye!

May 6, 2008 at 1:59 PM  
Blogger Eyyyyyy said...

aww. nice naman cher at okay ka na. i miss you:)

May 6, 2008 at 3:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

aouch! ouch opuch..ngeon ko lng nakita n ngmura ka panghe ah..pero ok lng..kita ko nmn ung content,,thats why napamura ka..well good for you kung OK ka na po..im still here panghe..loveyou

May 6, 2008 at 7:14 PM  
Anonymous Anonymous said...

oh wow lin! kelan ka nagbalik!? bkt now ko lang nalaman! haha! its time na ba?! :) pormal mo na tinapos. pormal na pormal. hehe!

May 9, 2008 at 9:45 PM  
Blogger AND$ said...

pssst.. ate lin! remember mo pa me? hahahah. wow, i love your new blog:) dito ka na ba lge maguupdate? pwde kita ilink?:P

anyway.. i love this:
"Sabi ko naman sayo, pana-panahon lang 'yan. Lahat lilipas din. At masaya ako na lipas ka na sa buhay ko."

hmm.. good for you!:) eto ba si ****? :) ingat!

May 10, 2008 at 5:42 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home